Zookeeper sa Russia, ni-recreate ang iconic scene sa ‘The Lion King’ gamit ang sandamakmak na penguin

Pinatunayan ng zookeeper na si Olga Demina na pwedeng maging creative sa kahit anong paraan nang gumamit siya ng mga penguin para kopyahin ang eksena sa “The Lion King.”
Found this article interesting? Help others discover it too!

Proud si Olga Demina sa kanyang trabaho bilang zookeeper sa Russia kaya naman ang kanyang TikTok ay punong-puno ng videos at larawan ng kanyang mga alaga. Pero ang isang pakulo ni Olga, nagpasaya sa milyon-milyong mga social media users sa iba’t ibang bansa.

Paano ba naman, ginamit ni Olga ang kanyang mga penguins upang eksaktong kopyahin ang sikat na eksena sa “The Lion King” kung saan ipinakilala ni Mufasa ang kanyang anak sa lahat ng mga hayop sa jungle bilang kanyang tagapagmana.

Nakakatuwang napalitan ang lahat ng karakter ng mge penguin na tila naturuan din ni Olga kung ano ang gagawin.

Lalo pa silang napahanga ng ikumpara frame by frame ang bawat eksena.

@olya_penguins

♬ original sound – Olga Demina

“ahhh I love it!!!! they are soooo cute!🥰🥰”

“This is the most amazing thing!! 😂💕💕💕💕👏”

“[happy😂😂😂😂😂😂😂😂😂🤣🤣🤣🤣]”