Yun na yun? Expectation vs reality sa isang train video sa Vietnam ng isang travel vlogger hindi magkatugma, laughtrip dala sa netizens

Naka-relate ang ibang travel vloggers sa mga pagkakataong hindi nagma-match ang kanilang expectation vs reality.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nasa haba ba ng hair ang haba ng train? Ito ang tanong ng isang vlogger na nag-peg sa kapwa content creator tungkol sa kanyang experience na magpa-video sa sikat na train track sa Vietnam.

Ngunit kung feel na feel ang moment ng unang vlogger na hinagin hangin pa ang buhok habang dumaan ang train, ni hindi man lang nagtagal ang kay Janine Cabatingan Bagayas dahil iisang car lang ang dumating nang nag-video siya.

Hindi man luminya ang realidad sa expectation ni Janine, nagbigay good vibes at katatawanan naman ang kanyang video hindi lang sa sarili pati na rin sa netizens:

“hahahhahaha buhok cguro basehan sissy”

“Hahahahah bitin ang train aw hahah”

“ahaha nung pumunta kami sa train market sa Thailand na expectation vs reality din kami
Bansot ung train Aaayyyyyy!”