Marami ang kinilig nang mag-post ang dating PBA player na si Doug Kramer sa kanyang Instagram ng isang taos-pusong mensahe para sa kanyang misis na si Chesca upang gunitain ang kanilang ika-15 na wedding anniversary nitong Oct. 9.
“I truly love you more than the day I married you. God gave me the best partner I could have. The best mom to my kids,” ang sey ni Doug sa kanyang post na may throwback photos pa nilang mag-asawa.
Dagdag pa nito, dalawang dekada na silang magkasama—katumbas ng kalahati ng kanyang buhay, at marami nang pinagdaanan na mala-roller coaster na pakikipagsapalaran.
At sa paglipas ng panahon, hindi pa rin nawala ang kanyang paghanga sa kanyang asawa. “In fact, you’re still my crush baby! Still so attracted to you because there’s just so much to love about you,” ani Doug.
“There is no challenge or battle im afraid of, because we have each other. And because we both believe we have a God that is bigger than any problem we can encounter,” aniya.
Inulan naman ng pagbati mula sa mga kapwa celebrities at fans ang mag-asawa.
Ang ibang netizen naman ay di nakapag-timpi sa kilig.
“Omg!!! Nakakakilig ka naman Doug!!! Sana all!”
“Happy anniversary…omgee Ang Ganda magbasa ng ganito.. sobrang destiny talaga kayo sa isat isa…”
“Napapasana oil ka talaga sa marriage life nila.”
“The best caption I ever read from a man!” wika naman ng isang fan.
“This is my pinoy version of Posh n Becks,” sabi ng isa na tumutukoy sa sikat na sikat na British power couple na sina Victoria at David Beckham.
Tinapatan naman ito ni Chesca na isa ring nakakakilig na post para sa kanyang hubby. “I have been blessed with more than I could ever ask or pray for. I will always love you deeply @dougkramer and will always cherish each and every day with you and our children,” sey ni Chesca.
Tunay na relationship goals nga naman ang kanilang pagsasama lalo na’t inlab na inlab pa rin sila sa isa’t isa kahit na dalawang dekada na silang magkasama at 15 taon na ang nakalipas mula sila’y kinasal.
Mapapa-sana all ka talaga sa wagi na love life!