You’re not alone! Mga brides, inout ang kanilang mga nakakatawang experience tungkol sa pag No.2 sa kasal

Kanya-kanyang sharing na ng nakakatawang experience ang mga brides nang mag-open up ang isa tungkol sa kanyang nakakatawang experience sa araw ng proposal at kasal.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tawang-tawa ang mga netizens sa napaka-candid ng kwento ng isang bride tungkol sa kanilang proposal story ng kanyang ngayon ay hubby na.

Sa post ng The Budgetarian Bride, inilahad ni Marimar Tariktikan Reyes na binalak ng kanyang hubby na magkaroon ng romantic proposal sa kanilang Boracay vacation at naghanda ng todo para sa surprise.

Ang siste, inabot naman na sabay siyang nagkaroon ng dysmenorrhea noong panahong iyon kaya’t dahil sa sakit ng tiyan at puson ay pabalik-balik siya sa banyo para mag No. 2.

Aniya, hindi niya alam kung bakit asar na asar ang kanyang asawa na pabalik-balik siya sa room. Iyon pala habang busy siya sa kanyang nag-aalburotong tiyan, abala din ang kanyang asawa para i-surprise siya ng proposal.

But wait, there’s more. Hanggang sa kanyang kasal ay pabida pa din ang kanyang tiyan dahil nang malapit nang sumapit ang kanyang bridal walk ay muli na naman itong nagparamdam. Yun lang, ayaw na siyang payagan na umeskapo dahil malapit na daw ang processional.

Ang nakakatuwa pa, hindi lang pala si Marimar ang may ganoong klaseng experience at naglakas na din ng loob ang ibang brides na mag-share ng kanilang hindi masyadong glamorous na wedding experience.

“Nakakahiya man aminin pero same. Ilang mins nalang before bridal Walk sabi ko sa make up artist ko na pupoops Ako Ayun Hanggang sa cr nag bonding kami Ng MoH ko”

“Eh yung prenup pero pareho may LBM HAHAHAHAHA”

“Parang si Jerald Napoles and Kim. S concert daw sana mag p-propose si Jerald, nung malapit na yung song na hinihintay ni Jerald nag aya daw si Kim sa cr, pagdating daw sa cr utot lang daw pala while tumutugtog na yung song na dapat para sa proposal”