‘Yes, Girl!’: 2 Pinay Olympic gymnasts, nagbigay inspirasyon sa mga kabataang gymnasts sa Maynila

Masayang natutuo ang mga aspiring gymnasts sa bansa mula kina Aleah Finnegan at Emma Malabuyo sa dalawang araw na training camp sa Intramuros, Manila.

Hindi ipinagkait ng dalawang Pinay gymnasts na sina Aleah Finnegan at Emma Malabuyo ang kanilang talento matapos magsagawa ng two-day gymnastics clinic sa Maynila kamakailan para sa mga batang gymnasts.

Nasa 80 kabataan ang dumalo sa “Yes, Girl!” Women’s Artistic Gymnastics Training Camp na ginanap sa Intramuros nitong Agosto 17 at 18.

Nagmula pa sa Davao City at Cebu City ang ibang kabataan para makibahagi sa training camp na kasama ang dalawang Olympic gymnasts. Sumali rin maging ang kalahok sa 2024 Palarong Pambansa kagaya ni Zoey Sangutan na nanalo ng bronze sa floor exercise.

Masaya naman sina Finnegan at Malabuyo sa naging resulta ng dalawang araw na gymnastics clinic.

https://www.facebook.com/share/r/oQyPM5FxiqqLRoFq/?mibextid=0r8j9z

“I think the main takeaway is to have a solid foundation of basics in order to get the big skill here. So you can’t get to this point without doing the basics and doing it over and over again,” ani Emma sa panayam sa ABS-CBN News.

I’m really hoping that they continue to do gymnastics and continue to enjoy the sport. I think it’s such a beautiful sport that obviously I really enjoy doing. I’m really trying to spread the love that I have with this sport with these young girls,” saad naman ni Aleah.

Si Aleah at Emma at ang isa pa nilang kasama na si Levi Jung-Ruivivar ay ang unang mga babaeng gymnasts na kumatawan sa Pilipinas sa Olympics matapos ang anim na dekada.

Pang 41 na pwesto si Emma, 47 si Aleah at pang 40 naman si Levi sa all-around gymnastics sa Paris Olympics.