May bago na namang kantang pa-ayuda ang singer at songwriter na si Yeng Constantino para sa kanyang mga fans nitong Buwan ng Pag-ibig.
“My new single ‘Kung Uulitin’ is out now sa lahat ng streaming platforms! Stream na sakto sa Feb-ibig!” ang post ni Yeng sa X (dating Twitter) na kung saan nag trending din siya noong Enero 30.
My new single “Kung Uulitin” is out now sa lahat ng streaming platforms! Stream na sakto sa Feb-ibig!
SPOTIFY LINK https://t.co/FLwVcHTObe#Yeng_KungUulitin pic.twitter.com/UC3y63ypvA
— Yeng Constantino (@YengPLUGGEDin) January 31, 2024
Inaasahan ni Yeng na tatangkilikin ito ng publiko kagaya ng sikat na kanta niyang “Ikaw” na sinulat din niya. “I hope this song will resound in your hearts the same way ‘IKAW’ did all those years ago,” sabi ni Yeng sa panayam ng Inquirer.
Sinulat ni Yeng ang “Kung Uulitin” para sa kanyang asawa na si Yan Asuncion. Tungkol ito sa kanyang wish na magkaroon pa ng isang “lifetime” para patuloy niyang mahalin ang kanyang asawa, ano mang pagsubok ang dumating sa kanilang buhay.
“‘Di ako naniniwala sa mahika” first line pa lang, tagos at iyakan na @YengPLUGGEDin” komento ng isang fan.
“Kung Uulitin ang buhay kong ito, Ikaw parin ang pipiliin kong idolohin @YengPLUGGEDin Worth the wait ate. Napakagandang musica,” dagdag ng isa.
Magce-celebrate din si Yeng at Yan ng kanilang pang-siyam na wedding anniversary ngayong Pebrero 15.