‘Yayamove’ yarn? Lalamove rider, kamot ulo nang mapag-utusang magpakain ng manok

Sanay man sa kung ano-anong request ng mga customer, hindi pa din kinaya ng isang rider ang inutos sa kanya ng customer.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Napakamot na lang ng ulo ang isang Lalamove rider na nagbahagi ng kanyang kakaibang karanasan sa isang booking.

Ayon sa post ng Lalamove riders and customers group, nakalagay sa screenshot ng isang booking na nagkakahalaga ng Php49 ang isang mahabang note na naglilinaw na wala siyang ipapa-pick up or ipapa-deliver na item. Imbes na delivery, nais nitong ang rider ang magpakain sa kanyang mga alagang manok.

Inilagay nito kung saan matatagpuan ang mga patuka, kasama na din ang step by step na instruction para sa pagpapakain sa kanyang mga alaga.

Matapos ang gawain, kailangan ding kunan ng larawan ng rider na natapos na niya ang pagpapakain ng manok bago nito ipadala ang Gcash na bayad para sa serbisyo nito.

Dinaan na lang sa biro ng mga kapwa rider ang request ng kliyente:

“Pag send ng picture nakalagay na sa lalabag yung manok may kasama ng papaya”

“bigla kang nagkaron ng task kay big brother”

“gawin ko kaya to para sa mga halaman ko. didiligan kapag nasa bakasyon ako?”

“YAYAMOVE yarn?”