Yakap pa more! Mga Pinoy, may kaniya-kaniyang hugot sa pagcelebrate ng National Hugging Day

Mga Pinoy, may iba’t ibang hugot sa selebrasyon ng Hugging Day

Hindi nagpahuli ang mga Pinoy sa selebrasyon ng National Hugging Day kahapon matapos nilang magpost ng iba’t ibang klaseng hugot sa social media tungkol sa pagyakap.

Mula sa kagustuhan nila yakapin ang kanilang mga minamahal na K-Pop idols, pagbalik-tanaw sa mga dating kayakap, hanggang sa pagka-miss nila sa mga mahal sa buhay, iba’t ibang sentimyento ang nag trend sa social media.

Unang ginawa nung 1986 sa United States, unti-unting lumawak ang okasyon na ito hanggang sa maging annual global event na ang Hugging Day.

Target ng Hugging Day na hikayatin ang mga tao na yakapin ang kanilang kapwa, lalo ang mga mahal sa buhay, nang mas madalas para maparamdam ang pag-ibig o mapasaya ang mga taong may dinadamang kalungkutan.