Kahit na nilabas lang ulit ang video, proud na proud ang fans ng SB19 sa naging pangmalakasang performance ng kanilang mga idolo sa ginanap na Round Festival sa Jakarta, Indonesia.
Nag-perform sila Pablo, Stell, Josh, Felip at Justin ng kanilang hit song na “CRIMZONE” at ipinamalas ang kanilang galing sa live vocals at choreography.
Kitang-kita kung paano halos lumiyab ang stage sa galing ng SB19 at paano nadala ang mga audience ng music festival kahit na hindi Pinoy ang mga ito. Naging lalong proud ang mga fans sa bigay-todong angas ng SB19 lalo pa’t bitbit nila ang Pilipinas sa pagtatanghal sa ibang bansa.
Mayroon din namang naka miss sa OT5 performance ng grupo dahil nang mga nakaraang buwan ay naging abala sila sa paglabas ng kanilang mga solo records.
“Their voices blended well as a group”
“Lahat maganda Pablo is a real genius dividing the music in 5 vocals swak sa banga. Perfectly blend.”
“Angas nla Jan. Ginalingan. Dala ang Pilipinas e”
“So good when they are together as Sb19 on stage”
“Missing. Them performed again as Sb19”
“Super magaling cla. Kahit saan magperform bigay todo, hataw to d max…”