Bukod-tanging ang Benigno Ninoy Aquino High School (BNAHS) sa Makati City ang kuminang sa 2022 Program for International Student Assessment (PISA) sa lahat ng public schools sa Metro Manila.
Kahit walang face-to-face classes na naganap sa loob ng dalawang taon, hindi ito balakid para maipasa ng BNAHS ang Level 2 ng nasabing international test.
Nagbunga rin ang pamumuhunan ng lokal na pamahalaan ng Makati sa innovative at inclusive learning interventions bago at habang may pandemic.
“Considering that there had been no face-to-face classes for over two years when the test was conducted, this achievement speaks volumes of the success of Makati’s innovative and inclusive programs for our public school students,” ani Mayor Abby Binay.
Sa ulat ng Manila Standard, ipinaliwanag ni Binay na ang kanyang administrasyon ay naglaan ng Php 31 million para sa buong implementasyon ng Project MILES (Mathematics Intensive Learning Enhancement for Students) para sa Grade 1 hanggang Grade 10 bago mag-pandemic.
Upang madevelop pa ang numeracy skills ng mga estudyante sa Makati, nagkakaroon ng klase kada Sabado na mayroon ding locally-developed learning materials.
“Over 700 teachers handled both onsite and online sessions, and the subscription to Math software Koobits, popular in Singapore, was provided for free,” dagdag pa ng report.
Sinabi rin ni Binay na malaki rin ang ginampanan ng Project MILES, na libre para sa lahat na gustong madagdagan pa ang karunungan sa Math, para maabot ang achievement na ito ng BNAHS.