‘Work out is your me time!’ Coach Anne Aniag, may tip para sa mga mommies na gustong magka-beach body para sa summer

Kailangang alagaan ng mga mommies ang kanilang mga pangangatawanan para sa kanilang sarili at hindi para sa iba.

May tip si Fitmom Ph founder at fitness coach Anne Aniag sa mga mommies na hirap makabalik sa kanilang beach bodies nitong summer.

Sa isang panayam para sa Women’s Month, sinabi ni Coach Anne na mahirap lalo sa mga mommies na i-prioritize ang kanilang sarili lalo na’t sila ang kadalasang nagte take-charge sa kanilang mga tahanan.

Pero aniya, hindi ito nangangahulugan na dapat na nilang pabayaan ang kanilang sarili. Dagdag pa niya, ang pagkakaroon ng magandang katawan ay bonus na lang pero importante ang ehersisyo para sa kalusugan.

“Put a little bit, 30 to 45 minutes for yourself. When you’re working out, it’s not because you want a bikini body. It’s because working out is your me time. ‘Wag mong tatanggalin sa sarili mo ‘yon,” aniya.

Dagdag tip ni Coach, kailangan ay pahalagahan ng mga mommies ang kanilang sarili tulad ng pagpapahalaga nila sa kanilang pamilya.

“Because if tinanggal mo ‘yon sa sarili mo, are you saying na hindi ka importante? So, ikaw muna. And eventually, babalik and babalik ‘yon, taking care of others. It will be very easy and hindi na siya taking care of others,” tip ni Coach.

“It’s serving the people that you love. When that power happens from within, you can eventually inspire and influence a lot of people,” pagtatapos niya.