‘Windows Leni XP Edition!’ Pic ni Leni Robredo sa IRL location ng isang kilalang desktop wallpaper, kinaaliwan ng netizens

Netizens napa-'sana all' sa photo op ni dating Vice President Leni Robredo sa Antelope Canyon na kilala na isang desktop wallpaper.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Mula ng bumaba sa pwesto, maraming lugar na ang nabisita ni dating Vice President Leni Robredo. Ilan na nga dito ang naipost niya sa kanyang social media pages.

Ngunit iba ang dating sa netizens ng pagdalaw ni Leni sa Antelope Canyon sa Arizona, United States.

Sa isang post sa Instagram, pinakita ni Leni ang pagpunta nila ng kanyang mga dating kasamahan sa Unibersidad ng Pilipinas sa iba’t ibang bahagi ng Arizona, kabilang ang Antelope Canyon.

“It was a short 3 days that brought us from Las Vegas to Arizona with stops at the Grand Canyon, Antelope, Sedona, and, finally, Phoenix but it was enough to fill our hearts,” kwento ni Leni sa kanyang IG.

Pero ang mas kinagiliwan ng netizens ay ang komento ng Pinoy pop culture site na FTTM Philippines na napansin na parang nasa kilalang wallpaper sa laptop ang dating pangalawang pangulo ng Pilipinas.

“Sana all nasa laptop Ma’am Leni,” sabi ng FTTM.

Nagsunuran naman ang ibang netizens sa mga “techie” comments sa post ni Leni.

“She motherboard!”

“Anong laptop yan? LENIvo?”

“sarap gawing wall paper ah”

“Windows leni xp edition”

“Hindi lang Harvard pinasok ni madam, pati screensaver ng Windows 7 (15M)”