Who let the dog out? Aso, daig pa ang amo humataw sa gimikan

Aliw na aliw ang netizens sa post ng isang asong nasa beat umindak sa tugtugan ng isang bar.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isang puting chihuahua ang nagpasaya sa mga netizens nang makunan ito ng kanyang amo habang feel na feel ang pag-indak sa isang bar.

Sa reels video, sinabi ng kanyang amo na tila ba sanay sa gimikan ang kanyang alaga na tipong bet na bet ang dance music.

“When I take my dog to a bar. I suspect it’s not his first time here,” pag caption niya sa video.

“So, no one’s gonna mention the dog is on beat?” ‘He needs a drink. He’s ready to hit the dance floor!!!” “That’s not a dog. That’s a DAWGGG!” “That’s a party animal right there.”