‘When Life Gives You Tangerines’ stars IU at Park Bo Gum, nagpabilib sa duet sa ‘Golden Oldies’

Para sa mga bagong K-drama fans na dalang-dala sa love story nina Ae Sun at Gwan Shik sa Netflix series na “When Life Gives You Tangerines,” maaaring magulat sila na bukod sa galing magpaluha nina Park Bo Gum at IU ay pareho din silang mahusay na kumanta.

Sa isang guesting para sa “Golden Oldies” ng KBS, kung saan ibinibida ng contemporary artists ang mga classic na kantang Koreano, inawit ni Park Bo Gum at IU ang “A Love Story of a Country Boy.”

Humanga ang fans at nagulat kung gaano kagaling mag-perform ang dalawa ngunit sa katunayan, si IU ang isa sa pinakasikat na soloists sa South Korea na nakakapag puno ng mga arenas sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Katunayan, sa kasagsagan ng “The Eras” tour ni Taylor Swift, kasabay niyang mag-perform sa kabilang arena sa UK si IU at pareho nilang napuno ang Wembley Stadium at Wembley Arena.

Samantala, si Park Bo Gum ay graduate ng musical theater noong 2018 mula sa Myongji University.

IU, Park Bo Gum, When Life Gives You Tangerines, Golden Oldies