When Cariñosa meets KATSEYE: Fusion ng Pinoy folk dance at ‘Gabriela’ bumida sa event sa NY

Sumakses ang isang grupo ng mga Filipino folk dancers na mapagsama ang klasikong steps ng Cariñosa sa modernong galawan ng KATSEYE hit song.

Ibinida ng Pinoy choreographer na si Jeffrey Pelayo ang fusion ng folk dance na Cariñosa at KATSEYE sa performance ng kanyang grupo para sa “Philippines in Design” event sa New York.

Sa simula ay ipinamalas ni Jeffrey ang ganda ng sayaw ng Cariñosa na isinayaw ng mga Fil-Am dancers na naka costume ng barong at saya. Matapos ang unang bahagi ay bumilis na ang tempo at nag-transition na ang music sa “Gabriela” ng KATSEYE pero kapansin-pansin pa rin ang mga galaw ng Filipino folk dance sa kaakibat na modernong galawan ng choreo.

Inialay ni Jeffrey ang pagtatanghal sa Filipina leader ng KATSEYE na si Sophia Laforteza, na isa ring panay ang pagsusulong ng galing ng Pinoy sa world stage.

Bumilib naman ang mga netizens sa performance:

“The way you mixed the traditional elements even in the modern portion is done so well!! 👏👏👏”

“Beautiful performance! The Maria Clara and Barong Tagalog outfits perfectly match the theme.”

“is this to be something to expect at the next gala😅 proud of this work, Jeffrey🇵🇭”

“cariñosa + gabriela remix??? so here for it yall ATE”