Patok na patok ngayon sa Tiktok ang kantang “Pretty Little Baby” ng 60s singer na si Connie Francis. Maging mga batang ang edad na parang apo na niya sa tuhod ay nakiki-jamming sa pagsyaw sa Tiktok ng kantang pinasikat nita nung 1961.
At nang sabihan siya ng kaibigan ukol sa renaissance ng kanyang kanta, meron isang nakatutuwang reaksyon si Connie.
“The first I learned of it was when Ron called to advise me that I had ‘a viral hit’. Clearly out of touch with present day music statistics terminology, my initial response was to ask: ‘What’s that?’” kwento ni Connie sa kanyang Facebook post.
Nagpasalamat naman si Connie sa patuloy na suporta na nakuha niya mula sa makabagong henerasyon.
“My thanks to TikTok and its members for the wonderful, and oh so unexpected, reception given to my 1961 recording ‘Pretty Little Baby’,” sabi ni Connie.