Umapela ang “Eat Bulaga!” host na si Maine Mendoza sa mga hardcore AlDub fans na tigilan na ang pagiging toxic dahil kahit naman hindi sila nagkatuluyan ni Alden Richards sa tunay na buhay ay okay na okay naman sila.
Sa “Tamang Panahon” podcast kasi ay nagbalik-tanaw si Maine sa kanilang AlDub days ni Alden nang tungin kung nagkagustuhan ba talaga sila IRL.
Inamin ni Maine na na-inlove siya sa kanyang ka-loveteam sa “Kalyeserye” ngunit hindi naman ito nanligaw sa kanya kaya walang namuong relasyon sa pagitan nila.
Iyon lang, kahit sampung taon na ang lumipas ay mayroon pa ring mga AlDub fans na patuloy na nag-si-ship sa kanila at nag ta-trash talk sa kanilang real life partners kaya’t umapela na si Maine sa X na kung maaari ay mag-move on na sana ang mga tao sa kanilang naudlot na love story.
“All is well among the dabarkads. We’ve all moved on, and the past remains there. We can revisit and reflect on the good and the bad with a peaceful heart,” ani Maine sa kanyang post.
“Ten years on, we are all living the lives we chose, and I hope we can keep moving forward without nurturing hate—because what’s the point?”
“What do we gain from hostility? Again, in the grand scheme of things, what truly needs proving? Find your own answer. Let’s live for what makes us happy and make life less complicated and chaotic,” dagdag pa niya sabay paanyaya na mas okay na mag focus sa mga positibong bagay.
Okay, so about the last podcast episode.. Una sa lahat, I didn’t think the part about my story with Alden would spark controversy, let alone be a big deal, considering that everyone had already moved on from Kalyeserye and AlDub. From the start, I hoped the clashes between fans…
— Maine Mendoza (@mainedcm) August 19, 2025