Ang Western Visayas region ay nakapagtala ng 3.2 % na inflation rate, pinakamababa mula noong Disyembre 2021, ayon yan sa Philippine Statistics Authority (PSA)-6.
“The deceleration of inflation in December 2023 was primarily brought about by the faster annual decrease in pricing of housing, water, electricity, gas, and other fuels,” saad ni Nelida Amolar, PSA-6 officer-in-charge at chief statistical specialist.
Sa ulat ng Manila Bulletin, ang iba pang batayan ay ang pagbaba ng presyo ng pagkain, non-alcoholic na mga inumin, personal care, at miscellaneous goods and services.
Ang regional capital ng Iloilo naman ay may mababang inflation rate para sa Disyembre na may 0.7 % samantalang ang Antique province ay mayroong 4.5 %, Bacolod City at Capiz ay may parehong 4 %, Aklan, 3.9 % ,3.5 Negros Occidental 3.5 %, at 2.7 % ang Iloilo.
Pinakamataas na naman ang naitala na inflation rate sa probinsya ng Guimaras 5.5 %.