Well-trained ang fur mom! Mabisyong aso, kailangan pang sayawan para pumayag magpa-blow dry

Aliw ang mga netizens sa effort ng isang fur mom para lang pumirmi ang kanyang alaga para tuyuin ng blower ang balahibo.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nakakabilib ang mga fur parents na handang mag-alay ng dangal para sa kanilang mga alaga. Isa na dito ang fur mom na si Ajerie Garcia na kailangan pang sumayaw sa harapan ng kanyang alagang si Sturdy para lang pumayag itong magpa-blower.

Sa TikTok na umani na ng 1.8 million views, ibinahagi ng fur mom na minsan ay hindi niya na alam kung sino ba ang totoong amo—kung sila ba ng kanyang asawa o ang kanilang Golden Retriever.

Ayaw daw kasi nitong pumirmi kapag ibo-blower kaya’t kailangan pa nito ng entertainment para pumayag tuyuin.

@aljnianne Anak kong kelangan ientertain para mablower lang HAHA 🤦‍♀️ Minsan di ko na alam kung sino yung amo, Kami ba? o Siya? Lakas ng sapak e! #fyp #goldenretriever #sturdyboy #dogsoftiktok ♬ original sound – WiseySturdy

Sa comments section, aliw naman ang mga netizen dahil mukhang chill na chill ang doggie habang inaaliw ng kanyang fur mom. May mga naka-relate din dahil sa kanya kanyang bisyo ng kanilang mga alaga.

“Pavlov theory. 😳 but the other way around”

“well trained ang amo po”

“doggie : May nauto nanaman ako”

“Ganito shih tzu ko kapag iti-trim ko na kuko at fur niya 😭 kailangan may story time muna palagi para malibang siya huhu kapag walang kwento, magmamaktol siya umalis 😭”