Welcome to the Fire Nation! Dahil sa El Niño, first words ng isang sanggol, ‘ang init’ imbes na mama o papa

Found this article interesting? Help others discover it too!

Sa Ingles, may kasabihang “out of the mouth of babes.” Nangangahulugan ito na ang mga bata ay hindi marunong magsinungaling at yan na nga ang nangyari sa isang sanggol na imbes na mama o papa ang maging first word ay nagreklamo agad na “ang init.”

Sino ba naman ang hindi mag a-agree kung ikaw ay nakatira sa Pilipinas sa panahon ng El Niño at pumapalo na ang heat index sa kwarenta at higit pa.

Kaya naman relate na relate ang mga netizens sa TikTok sa honest na baby na iba ang ihinirit habang tine-train ng kanyang ama na sabihin ang salitang mama.

@chingching_822 Welcome to the Philippines 🥲🔥🥵 #initsapinas #summertime #3monthsold #babiesoftiktok #babyfunny ♬ original sound – ching ☻

“Welcome to fire nation”

“ang inet” “ano bayan” 🤣

“sa sobrang init nakapagsalita tuloy”

“di nagsisinungaling ang mga bata 🙏”