Welcome to the club, oppa! BTS Jin, umaming fanboy ng ‘Queen of Tears’

Inamin ni BTS Jin na hindi niya napigilang mahumaling sa Korean drama na “Queen of Tears.”

Huli man daw at magaling, naihahabol din. Ito din ang nangyari kay BTS Jin na ngayon pa lang nakakahabol sa panonood ng K-dramang “Queen of Tears” nina Kim Soo Hyun at Kim Ji Won.

Dahil kalalabas pa lang ni Jin mula sa kanyang mandatory military enlistment, ngayon pa lang siya nakakabuwelo sa panonood ng mga Korean series na namiss niya noong siya ay nagsisilbing sundalo.

Kaya naman kahit huli ay kilig na kilig pa din ang tinaguriang “Worldwside Handsome” at Olympic torchbearer sa mga eksena sa QoT.

Ani Jin, ang pinaka-favorite part niya sa drama ay ang lihim na pagtatapat ni Baek Hyun Woo sa Hong Hae In ng kanyang pagmamahal habang natapos nitong pilasin ang mga dahon papunta sa kuwarto ng kanyang ex-wife. Hangang-hanga daw si Jin sa emosyon na ipinakita ni Kim Soo Hyun sa eksenang ito.

Sa QoT post drama special, sinabi din ni Kim Soo Hyun na ito ang isa sa pinakapaborito niyang eksena sa palabas.