Iba din talaga ang impluwensiya ng mga K-drama sa mga Pilipino dahil sa pinakahuling patalastas ng Lola Nena’s ay ginawa nila itong parody ng mga tipikal na eksenang nagpapakilig sa mga mahilig sumubaybay ng mga Koreanovela.
Ilan sa mga ito ay ang mga mayayamang chaebol na nahuhumaling sa mga simpleng babae na masayahin at makulit. Isa pa dito ay ang mga malditang anak mayaman na may gusto sa bidang lalaki na wagas kung makairap sa bidang babae.
Syempre tulad din ng ibang Koreanovela, may mga product placement din ng Lola Nena’s dahil imbes na mga mamahaling bag ang bitbit ng mga mayayaman ay mga paper bag ng produkto nila.
Patok naman ang bagong ad sa mga netizens:
“Sa Pinas…laging mhrap dn,hardworker na breadwinner pa!”
“Revenge ang next episode!”
“Ang wittyyyy nman”
“Ahahaha..miss ur classic and triple cheese donuts”
“the promotion is kwazy how to promote without actually promoting”