Welcome to Parokya-verse! Sampol ng ‘Buruguduystunstugudunstuy,’ nagpasabik sa fans

Naglabas na ng mga patikim ang cast ng Buruguduystunstugudunstuy: Ang Parokya ni Edgar Musical.

Konti na lang at malapit nang magbukas ang “Buruguduystunstugudunstuy: Ang Parokya ni Edgar Musical,” isa sa mga pinakakaabangang local theater productions sa taong ito.

Para lalo pang manabik ang mga fans ng musika ng Parokya ni Edgar, nag sampol ang cast ng production na pinangungunahan ng multi-talented singer-actor na si Pepe Herrera, maging ng mga theater actresses na sina Felicity Kyle Napuli, Tex de Leon, Marynor Madamesila and Natasha Cabrera, Noel Comia, Jasper Jimenez, Nicco Manalo at maraming iba pa.

Matatandaang matapos ang matagumpay na serye ng “Ang Huling El Bimbo” na hango sa mga awitin ng Eraserheads, agad na inanunsiyo ng Full House Theater Company ang kanilang susunod na proyekto kasama ang Parokya.

Ayon sa ulat ng Philippine Star, 47 kanta ng Parokya ni Edgar ang gagamitin sa buong production at sesentro ang kwento ng mga kababaihan.

Ani director Dexter Santos, naging possible ito dahil ang musika ng Parokya ay kayang mag transcend ng gender tropes. Siniguro niya din na mananatili sa istorya ang saya at kakulitan ng musika ng Parokya kaya’t panigurong matutuwa ang mga fans dito.

Dagdag pa niya, mangyayari ang kwento sa loob ng Parokya-verse kung saan kahit ano ay pwedeng mangyari.