Welcome back, mga suki! Mga Korean idols at oppas muling sinalubong ng Pinoy fans sa Asia Artist Awards 2023

Para sa ilang Korean artists na tulad ni Suho, Kim Sejeong, at ng STRAY KIDS, hindi na kailangan tumawid pa ng taon bago bumalik sa Pilipinas.

Tila nag reunion sa Pilipinas ang mga Korean artists na dati nang nakabisita sa Pilipinas para sa Asia Artist Awards 2023. Mula sa mga Kpop idols na dati nang nag concert sa Pinas, maging sa mga artistang bumenta sa fan events na ginanap sa bansa.

Bumalik din sa bansa ang ilang miyembro ng SEVENTEEN kabilang sina Seungkwan, DK, at Hoshi, na babalik pa ulit sa Philippine Arena para sa “Follow” tour sa darating na Enero.

Hindi pa tumatawid ang taon ay nagbalik na muli sa Pilipinas ang STRAY KIDS, Suho ng EXO, maging si Kim Sejeong.

Isa sa paboritong puntahan ng Korean artists ang Pilipinas dahil sa malalakas na FILO fandom na tumatangkilik sa kanila sa bansa. Bukod pa rito, bet na bet din nila ang pagkaing Pinoy lalo na ang sisig at halo-halo.