Rarampa down the aisle na nga ba si Miss Universe 2018 Catriona Gray ngayong taon?
Sa isang interview ng ABS-CBN kay Catriona sa launch ng National Arts Month na inorganiza ng National Commission for Culture and the Arts, tinanong siya kung kasama ba ang pagpapakasal nila ng kanyang fiancé na si Sam Milby sa mga plano nila ngayong 2024. “Definitely a part of it naman” ang kanyang naging sagot.
“Very excited for the new chapter, new beginnings, this year and also just yeah, a lot of personal growth,” dagdag pa niya.
Pero hindi kinumpirma ni Catriona ang usap-usapan na magkakaroon sila ng aktor ng spring wedding ngayong 2024.
Ibinalita ni Catriona at Sam ang kanilang engagement noong Pebrero ng nakaraang taon.