We gotchu, Muning! Bagong app, kayang ma-detect kung may sakit ang iyong alaga

CatsMe! app mula sa Japan, 95% ang bisa sa pag-detect kung ang pusa ay dumaranas ng sakit.

May kasabihan na Japan is living in the future dahil sa dami ng kanilang naiimbentong kakaiba at kapaki-pakinabang na imbensyon. Isa na marahil dito ang CatsMe! app na kayang malaman kung nakakaramdam ng sakit ang mga pusa.

Ang app na dinevelop ng Careology Researchers sa Nihon University ay gumamit ng 6,000 larawan ng mga pusa upang i-train ang AI sa hitsura ng mga pusang dumaranas ng sakit. Sa pamamagitan nito, nadedetermina ng app kung ang iyong alaga ay may karamdaman.

Ani Kazuya Edamura, isa sa mga developers ng CatsMe! maganda ang naging feedback sa kanila ng mga nakagamit na ng kanilang app, at nagtala ito ng 85% accuracy.

“The AI can determine how much the cat’s current expression coincides with the rates faces. We have already reports of when the cats are in pain so we were able to give that feedback to the software. As a result, the app is more than 95% accurate,” aniya.

Sa comments section naman, maraming humihiling na mag-develop din ng ganitong app para naman sa mga aso.