Water hyacinth, di na trash sa Taguig City!

Naglagda ng kasunduan ang Taguig City government at Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute para mapakinabangan ang mga water hyacinth bilang textile fiber.

Ang mga water hyacinth na problema kung ituring ay mapapakinabangan na sa Taguig City!

Sa isang kasunduan ng Taguig City government at Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute (DOST – PTRI), gagawing textile fiber ang mga water hyacinth na maiipon mula sa mga ilog na kinasasakupan ng siyudad.

Sa kasunduang ito, tuturuan ang mga residente ng Taguig ng handloom weaving gamit ang PTRI-designed machines, at magbibigay rin ang DOST ng mga equipment, technical assistance, skills training at business development support.

Ang Taguig naman ay maglalaan ng lugar para sa machines, training venues, at mag-identify sa mga beneficiaries.

“Kill two birds with one stone” ika nga ang proyektong ito—natanggal na ang problema sa water hyacinth sa ilog, nabigyan pa ng hanapbuhay ang mga tao. Ilan sa problema na dulot ng water hyacinth ay nakakaapekto sa ecosystem ng mga ilog at nagiging sagabal sa mga mangingisda.

Ayon kay Mayor Lani Cayetano, ang partnership na ito sa DOST ay makakapagbigay hanapbuhay sa mga disadvantaged at displaced workers sa kanilang siyudad.

Para naman kay DOST-PTRI Director Dr. Julius Leaño Jr., malaking tulong ang teknolohiya para sa vulnerable sectors gaya ng kababaihan, kabataan, persons with disabilities, at maging sa urban poor.