Water bed yan? Tuta, kinatuwaan ng netizens nang gawing tulugan ang water dispenser

Tuwang-tuwa ang netizens sa tuta na ginawang higaan ang isang water dispenser.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Maaaring dahil sa antok o dahil sa init, literal na ginawang “water bed” ng isang tuta ang kanilang water dispenser matapos nitong makatulog sa ibabaw nito kahit na may tubig na dumadaloy sa kanyang mukha.

Sa TikTok post ni Bianca Ramirez, makikita ang kanilang furbaby na si Peachy na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kanilang electric water dispenser.

“Ginawa ba namang unan yung tubigan nila,” kwento ni Bianca sa caption.

@bianxaar ginawa ba namang unan yung tubigan nila 🥹 #fyp #foryou ♬ the psycho intro gone wrong ㅠㅠ – Arielle


Sa isang hiwalay na post, kinwento ni Bianca na talagang hilig ni Peachy na pumwesto sa water dispenser nila kahit na hindi naman talaga ito naiinitan dahil nakabukas ang aircon o kaya ay bagong ligo naman.

“Nakaaircon po siya and bagong ligo, hilig niya lang talaga diyan sa tubigan tumambay. di naman po makukuryente si peachy since may distance naman po yung saksakan from her :)),” kwento ni Bianca.

@bianxaar Replying to @euphorye here’s a pt. 2 vid of peachy as requested haha i just want to add some notes based sa comments sa prev vid: – nakaaircon po siya and bagong ligo, hilig niya lang talaga diyan sa tubigan tumambay 😅 – di naman po makukuryente si peachy since may distance naman po yung saksakan from her :)) – yung electric water dispenser po is nasa yellow basket na haha (not the exaact same one but similar) #fyp #foryou ♬ original sound – Z7duckx_Music

Giliw na giliw naman ang mga netizens sa kakaibang trip ni Peachy.

“Ang cute! Please, more videos about the puppy.”

“tag ulan na ulit magiging happy na ulit sila, hahahaha”

“cute”

“Hellooo ahahaha may bagong online alaga more vids po plss”