Kinagiliwan ng mga netizens ang isang grupo ng kalalakihan na nag-trip gumawa ng parody ng music video ng Westlife para sa “If I Let You Go.”
Ang siste, ang mga kuya, mukhang bagong gising lang at pupungas-pungas pa habang sabay-sabay na naglalakad sa dalampasigan at panay sablay pa ang pag lip-synch ng lyrics.
Gayunpaman, “A” for effort naman ang mga kuya sa video ni @amazingorio dahil napasaya naman nila ang mga taong naghahanap ng katatawanan sa internet.
At kung gaano naman ka-low energy ang mga bida ng music video ay siya namang hyper ng comments section dahil mukhang kumalat na din ito sa ibang bansa. Ang banat pa ng ilan, pinilit lang ba ang mga kuya na gumawa ng MV with matching LOL?
“At least they have good taste in music. Love button 💖”
“I hope westlife watch this 🤣🤣🤣”
“Who made them do this? 😂”
“Currently i’m in depression mode, but suddenly had changed to crazy laugh…thanks for entertain us 😂🤣”
“Westlife in shopee be like”