Wanted: Lamok, dead or alive! Barangay sa Mandaluyong, may pabuya sa paghuli ng lamok!

May kakaibang pakulo ang isang Barangay sa Mandaluyong City laban sa sakit na dengue.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sa isang barangay sa Mandaluyong, wanted ang mga lamok—dead or alive—at may pabuya pa ang sino mang residente ang makapagdadala nito sa barangay hall.

Ang pagdadala ng ilang lamok at mga kiti-kiti simula Pebrero 19 ay isang alternatibong pamamaraan bukod sa paglilinis ng kapaligiran ang naisip ng Barangay Addition Hills para labanan ang pagtaas ng dengue sa lugar.

“MAY PISO SA MOSQUITO,” anunsyo ni Barangay Chair Carlito Cernal sa kanyang Facebook page para hikayatin ang mga residente na sumali sa kanilang bagong gimik laban sa delikadong sakit.

“Buhay at kalusugan ay mahalaga, ingatan at alagaan natin ng sama-sama,” dagdag pa ni Cernal.

Maaaring magdala ng nahuling lamok, buhay man o patay, sa New Barangay Hall Office mula 8 a.m. hanggang 5 p.m., Lunes hanggang Sabado. Ang mga buhay na lamok ay ilalagay sa mala-aquarium na lalagyan at tatapatan ito ng UV light na siyang papatay sa mga nahuling lamok.

Barangay Addition Hills, May Piso sa Mosquito, dengue, Barangay Chair Carlito Cernal, extra income

Excited naman ang ilang mga residente na type kumita ng extra sa paghuhuli ng lamok:

“Ayos to ahh kap magkakapera sa lamok bukas manghuhuli napo ako”

“Mga marites pag kakataon niyo na habang nag chichismisan🤣magpatay ng lamok🤣ng may pambili kayo bigas🤣🤣🤣”

“Extra income din yan.”

“Na wanted na ung lamok HAHAHA YARE KA SAMIN NGAYON”