Walang Team Bahay! Pinoy fans natuwa sa presyong ‘kababayan’ ng Manila concert ni Olivia Rodrigo

Imbes na malula, natuwa ang mga Pinoy fans ng Fil-Am Grammy Award-winning singer na si Olivia Rodrigo dahil sa abot-kaya ang presyo ng ticket para sa kanyang concert.

Sure na walang “Team Bahay” na mga Pinoy fans sa darating na concert ni Fil-Am Grammy award-winning singer na si Olivia Rodrigo sa susunod na buwan dahil “presyong kababayan” ang tickets para dito.

Ikinatuwa at ikinagulat ng mga fans ang hindi inaasahang abot-kayang presyo ng ticket para sa kauna-unahang concert ni Olivia sa Pilipinas na nagkakahalagang Php1,500 lamang. Gaganaping ang Manila leg ng “Guts World Tour” ni Olivia sa Philippine Arena sa Bulacan.

Inanusyo mismo ni Olivia ang magandang balita sa kanyang Facebook.

Ang ama ni Olivia ay isang Pilipino at German-Irish naman ang kanyang ina. Ipinanganak at lumaki siya sa California pero nabanggit na niya noon na madalas pa rin ang kanyang pamilya na magluto ng pagkaing Pinoy at marami siyang katangiang Pilipino na itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang.

Excited naman ang mga fans para sa simula ng bentahan ng tickets para sa kanyang concert sa Setyember 14.

“I love this!!!”

“She’s the kindest! “

“Girl, you have my utmost RESPECT!”

“Only 1500 for all sections and yet it is a fundraising concert. We are stanning the right queen (#)”