Walang sinasanto! Mga malokong netizen gumawa ng mga memes tungkol sa resort sa Chocolate Hills

Hindi pinatawad ng mga netizens ang issue sa resort sa gitna ng Chocolate Hills sa kanilang pang aasar.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sadyang matataba ang utak ng mga Pinoy pagdating sa kalokohan kaya’t hindi naman nakakapagtaka na ang issue kung saan isang resort ang naipatayo sa gitna ng pomosong Chocolate Hills ay naging tampulan na din ng mga memes ngayon.

Kahit seryoso ang isyu, may ilang Pinoy pa rin na hindi magpapaawat sa pagbibiro tungkol dito.

Tulad na lang ng isang ito na inupdate na ang 200-peso bill para maisama ang swimming pool sa gitna ng bulubundukin.

Mayroon din naming mga negosyo na nakisawsaw na din sa issue para mag promote ng kanilang serbisyo


Pati cake shop ay in na in na din!


Marami pang iba ang nag-relate sa issue sa iba’t ibang games, at animation.

Wala talagang sinasanto ang mga Pinoy pagdating sa katatawanan.