Good vibes ang hatid ng fur baby na si Shuppy ng Pasay City matapos mapanood sa TikTok ang pag-atake niya sa sariling birthday cake kahit hindi pa nagsisimula ang salu-salo.
Sa post ng kanyang fur mom na si Grael Dasalla, makikitang pasimpleng nilalantakan ni Shuppy ang cake habang inaayos pa lang ang kanyang handa.
“YUNG INAAYOS PALANG YUNG HANDA PERO KINAIN NA YUNG CAKE,” ayon sa kanyang amo.
@babygrael SHUPPY: APAKATAGAL NYO NAMAN KASI! HAHAHHAHA HAPPY BIRTHDAY SA PABORITONG ANAK NA YAN!!! ✨🥰🥲#dog #aspin #fyppppppppppppppppppppppp #fyp #cake #birthdaydog ♬ original sound – Grael
Nagpaulan naman ng nakakatawang comments ang mga netizen:
“Apakatagal naman ako kantahan ni mameh”
“hindi pa ba kayo tapos mga alipin? uubosin ko na tong cake mag isa”
“tikman ko lang para safe sa kakain mamaya”
“Bagal kz ng mga alipin nya eh ayan tuloy nilantakan na nya”
“approved! masarap to ma. mainam to ihanda. hahahahaha”