Walang magmomove on! ‘Queen of Tears’ patuloy pa ring pinapanood ng mga Pinoy isang buwan matapos ang finale

Mga Pinoy aminadong inuulit-ulit pa din ang “Queen of Tears.”

Kahit na isang buwan nang wala sa ere ay hindi pa din matawaran ang “Queen of Tears” fever. Katunayan, hindi pa din ito nawawala sa Top 10 list ng Netflix mula nang magsimula itong umere 12 linggo na ang nakalilipas.

Hanggang sa ngayon ay kasama pa rin ito sa mga top shows ng 21 bansa sa mundo.

Katunayan, sa loob ng nakaraang linggo ay nagtala pa ito ng karagdagang 1.3 milyong views sa streaming platform.

Ani Pinoy fans, patunay lang ito sa lakas ng chemistry ng lead stars na sina Kim Soo Hyun at Kim Ji Won na parehong may schedule na pumunta sa bansa para sa kani-kanilang fan meeting.

Aminado naman ang mga Pinoy na hindi talaga sila maka-get over sa tinagurian nilang SooWon couple.

“Still watching… needs to see again in its smallest details…”

“Deserve”