Walang mag mu-move on! Paulo, kinumpirma na natural ang chemistry kay Kim Chiu

Hindi pa man tapos ang “What’s Wrong with Secretary Kim?” humihingi na ng follow-up movie project ang fans ng KimPau para kay Paulo Avelino at Kim Chiu

Pinakilig na naman ni Paulo Avelino ang mga fans ng #KimPau sa kanyang sagot sa isang interview kung totoo ba ang chemistry ng kanyang co-star na si Kim Chiu.

Walang kaabog-abog na sinagot ng “Linlang” at “What’s Wrong With Secretary Kim” actor ang tanong kung ang chemistry ba ay napepeke ng mga actor na tulad niya.

“Sometimes it (chemistry) comes naturally, and sometimes, there’s work that’s been put into it…. ,” paliwanag niya.

Ayon kay Paulo, hindi lahat ng artista ay nakakapag-generate ng chemistry sa isa’t isa pero at the end of the day, kaya din naman nila itong pekein dahil bahagi ng kanilang trabaho ang gampanan ang kanilang mga roles.

Nang tinanong kung kinailangan ba niyang pekein ang kanyang chemistry kay Kim, mabilis ang naging pagtugon ng aktor. “With Kim, no. I did not.”

Ang Pinoy adaptation ng “What’s Wrong with Secretary Kim” ay ang ikalawang proyekto nina Kim Chiu at Paulo Avelino kasunod ng smash hit na “Linlang” sa Amazon Prime at ngayon ay sa telebisyon. Sa unang lingo ng “WWWSK?” Rumatsada agad ito sa mga top shows ng Viu at tumaas din ang bilang ng mga subscribers ng streaming platform.

“Yung nandito ako kagabi tapos nandito na nman ako ngaun nanoodhaha d matatawaran ang kilig Kimpau”

“OMG!! Parang teenager lng talaga tayo eh.. Hellooo sa 30yrs old jan.. Ang chemistry nila sobrang lakas”

“Grabe so matured ni Paulo sumagot, nakikita ko true lahat sagot niya para kay kim. Bagay sila sobra.”

“Star Cinema movie na next please. Who’s with me ?!”

“Hindi ko alam kung ako lang ang nkakapnsin na ngayon ko lang nakikita si paulo na laging nakangiti sobrang masaya”

“kaway2 sa mga nanunuod nakangiti mula umpisa gang dulo kinikilig ako sobra..Alam na Alam muna pau ah ang paborito ni Kim”