Kapag nanggaling sa gudtaym ang isang ama, tanging ang asawa nito ang dahilan para umuwi at maghanda ng pagpapaliwanag.
Pero sa video na pinost ni netizen @lovelygorospe8, kitang-kita na huli si tatay sa checkpoint na tinayo ng kanyang anak bago pa man makapasok sa bahay.
Dito, kitang ininspect ng anak si tatay pagkadating ng huli ng ipapababa nito ang takip sa bibig at amuyin ang kanyang hininga.
“Yun Akala niya Makalusot siya sa Anak niya taga check point,” ang caption ni @lovelygorospe8.
@lovelygorospe8
Aliw na aliw naman ang netizens sa eksena lalo pa at na tameme ang tatay sa anak niya.
“hahaha hindi ka naka lusot sa anak mo sir yan tuloy na huli ka”
“huli pero hindi kulong”
“Mama’s Boy to, kakuntsaba sa checkpoint”
“walang palag sa checkpoint ng anak”