Walang libre sa barkadang ito! Mga accountancy students, panalo sa breakdown ng gastos sa ang outing

Natuwa ang mga netizens sa masinsing pag-budget ng isang grupo ng accountancy students.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kapag accountancy ang kurso mo, paniguro ay sobrang galing mong magkuwenta at lahat ng expenses ay balanse at naka-Excel.

Isang grupo ng accountancy students ang nag-share ng pasilip sa kanilang pagba-budget para sa kanilang outing na umaliw sa mga netizens at napa sana all sa kanilang metikulosong pagpa-plano.

Ipinakita ng mga miyembro ng barkada ang breakdown ng kanilang mga nagastos maging ang screenshot ng kanilang Excel kung saan naka-itemize ang mga covered sa kanilang ambagan.

Malinaw din sa usapan na hiwalay sa group fund ang pang gas at iba pang expenses. Ani ng mga ilang commenters, sa sobrang specific ng kanilang Excel ay karapat-dapat na silang pumasa bilang mga CPA.

(Courtesy:Russelle Gee/FB)

“Hahaha pag CPA naka breakdown pa yung tax hahaha”

“Splitwise is the key”

“Ahahahahahaha Relaaaateeee mucccch!!! Naka offset pa jan mga napaluwal mo”

“Walang libre libre sa pamilyang itooo sa totoo lang.”