Isang libo’t isang tuwa nanaman ang dulot ng “Eat Bulaga” sa mga netizens at fans nito matapos ang biglaang pakikipagsabayan ni “Bossing” Vic Sotto sa paghataw sa sayaw ni Tiktok sensation Yanyan de Jesus.
Sa April 1 episode ng “Eat Bulaga,” guest contestant sa Peraphy game si Yanyan at agad nitong finlex ang galing sa pagsayaw matapos siyang ipakilala.
Pero sa pambihirang pagkakataon, nabuyo ng mga co-hosts na sina Miles Ocampo at Maine Mendoza si “Bossing” na makipag showdown kay Yanyan.
“Hinahamon ka ata Bossing… Hinahamon ka e,” banat ni Miles.
At hindi lang isang beses nagpakita ng moves si “Bossing” dahil matapos ang kanyang failed attempt na gumanti kay Miles ay agad nanaman siyang napasabak sa sayawan.
“Ikaw ang hinahamon Bossing… Bossing! Bossing! Bossing!” kantyaw ni Miles.
Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa pinakitang da moves ni Vic at sinabing walang kupas sa pagpapasaya ang OG host.
“Yan si bossing eh nadagdagan Ing edad pero di siya natanda infairness walang kupas. Godbless po”
“Hahaha uwian na may nanalo na iba ka talaga Bossing walang inaatrasan.”
“ikaw na bossing. one in a million ka talaga. kaya love ko kayo dabarkads.”
“ang saya grabe enjoy kay bossing eh”
“Sobrang saya ng peraphy episode na’to! Tuwang tuwa ako sa dance moves ni bossing! Pero si miles ang panalo sa tawa kasi walang magawa si bossing sa do you want more.”