Walang kupas: Birthday greeting ni Mayor Vico Sotto sa inang si Coney Reyes, throwback na meme pa!

Pasig City Mayor Vico Sotto may kakaibang paraan ng pagbati sa inang si Coney Reyes sa birthday nito.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi na bago sa mga netizens ang mga kakaibang content ni Pasig City Mayor Vico Sotto, kaya hindi rin nakaligtas ang birthday greeting niya para sa kanyang ina na si Coney Reyes.

“Happy Birthday Mama! love you!” pagbati ni Vico sa kanyang Instagram post.

Pero hindi lang simpleng bati ang inihanda niya. Sa post, makikita ang larawang buhat-buhat ng beteranang aktres ang isang sanggol. Ang twist: naka-photoshop ang mukha ng batang Vico na may suot pang shades, na lalong nagpatawa sa netizens.