Sa pagbubukas ng World Billiards Museum sa Yushan China, pinarangalan bilang inductees sa World Billiards Hall of Fame ang isa sa pinakatanyag na manlalaro sa mundo – si Efren “Bata” Reyes. Kasabay ng kinilalang “The Magician” ng Pilipinas ay si Allison Fisher.
Sa kanyang post, ibinahagi ni Fisher ang ilang larawan mula sa parangal at kabilang dito ang litrato ni Bata na may sariling lugar sa kasaysayan ng laro.
Bukod kina Bata, pasok din sa listahan sina Ronnie O’Sullivan, Raymond Ceulemans, at Junhui Ding.
Hindi biro ang mapabilang sa World Billiards Hall of Fame dahil ito ay dumaan sa masusing proseso. Panay bigatin din ang mga naging nominado pero ang lahat ay nagkasundo na ang ginawa ni Efren Reyes para sa larangan ng billiards ay talaga namang hindi matatawaran.