Walang kupas! 99-anyos na lola, rumampa sa Grand Santacruzan sa Albay

Napahanga ang netizens sa ganda ng 99-anyons na si Ester del Rosario na sumagala sa Magayon Festival 2024 Grand Santacruzan sa Albay.

Bilib na bilib ang mga netizen sa 99-anyos na si Ester del Rosario matapos niya makipagsabayan sa mga dalagang halos apo na niya sa tuhod sa Magayon Festival 2024 Grand Santacruzan sa Albay.

Bakas pa din ang ganda at kakaibang dating ni Lola Ester ng siya ay sumagala bilang si Reyna Emperatriz kasabay ng ibang dalagang pinangungunahan ng aktres na si Barbie Imperial bilang Reyna Elena.

Ayon sa mga organizer, kabilang si Lola Ester, na taga Sto. Domingo, Albay, sa mga rumampa mula Vel Amor Subdivision hanggang sa Peñaranda Park sa Legazpi City.

May kabuuang labing-anim na kababaihan ang sumagala sa Magayon Festival 2024 Grand Santacruzan.

Si Lola Ester ay isang dating beauty queen matapos siyang hirangin na First Princess ng Peñafrancia Festival noong 1947. Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN, isa ding World War II veteran si Ester.

Napabilib naman niya ang mga netizen sa kanyang patuloy na pagpapamalas ng kagandahan kahit siya ay halos 100-anyos na.

“Ang ganda po ninyo, Lola Ester. Stay safe and healthy po.”

“aged beautifully..lumipas man ang panahon.. pero nanatili ang karikitan.”

“She’s still a beauty queen despite her age. Congratulations Lola !”

“Ang ganda mo po lola Ester. Stay healthy po.. godbless u always”

“Walang kupas si lola … ang ganda pa!”

“Still beautiful kht 99 yrs.old na kita pa din ang beauty”

“Magayong tunay stay healthy po lola magayon”

“Still pretty si lola at the age of 99”