Walang kakalma! Mga miyembro ng Spice Girls, kumpleto sa 50th birthday ni Victoria Beckham

Sobrang saya ng mga fans sa naganap na mini reunion ng Spice Girls sa ginanap na 50th birthday celebration ni Posh Spice Victoria Beckham.

Ang pinakaaasam na Spice Girls reunion ng pinakasikat na girl group noong dekada 90 ay muling natupad nang dumalo ang mga miyembro nito sa 50th birthday bash ni Victoria Beckham na mas kilala ng mga fans sa tawag na Posh Spice.

Present sina Emma Bunton (Baby Spice), Geri Halliwell (Ginger Spice), Mel B. (Scary Spice) at Mel C. (Sporty Spice) sa birthday ng kanilang matalik na kaibigan at ito ang nagbigay ng pag-asa sa kanilang mga fans na muling magsasama-sama ang lima sa stage para sa isang reunion.

Siyempre, todo suporta din ang asawa na Victoria na si David Beckham sa naganap na mini reunion ng Spice Girls. Hindi nito mapigilang mag fanboy ng mag-surprise performance ang kanyang Posh Spice kasama ng mga miyembro nito.

Sobrang saya din naman ng birthday girl sa muli nilang pagsasama ng kanyang mga dating ka-grupo.

Siyempre hindi pahuhuli ang mga fans sa pagfa-fangirl at fanboy.

“You have no idea how much joy this brings me and ALL 90’s babies 😍 Spice Girls forever ✌️🇬🇧”

“The ultra-iconic picture we have all been waiting for… long live Ginger, Sporty, Posh, Baby, and Scary! #spicegirlsforever”

“The gays and the girls are SHAKING rn”

“Girl Power ❤️”