Walang ipinagbago! OG Dao Ming Si ng ‘Meteor Garden’ na si Jerry Yan, nagpakilig sa fans

Kilig na kilig ang mga OG fans ng “Meteor Garden” nang makita sa isang event si Jerry Yan.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Usap-usapan ngayon sa social media ang tila hindi tumatandang aura ng OG “Meteor Garden” star na si Jerry Yan matapos itong maispatan sa isang fashion event sa China.

Sa mga kumakalat na video at larawan mula sa event, kitang-kita ang Taiwanese actor na halos walang ipinagbago ang itsura mula nang gampanan niya ang sikat na role ni Dao Ming Si sa original na version ng “Meteor Garden” noong 2001.

May mga fans din na di mapigilang mag side by side comparison ng mga larawan ni Jerry noong “Meteor Garden” days niya hanggang ngayon.


Puring-puri din ng fans ang pagka-down to earth ni Jerry na higit dalawang dekada nang nagpapakilig sa kanyang mga fans.

“I love this man.. forever I am his fan..npka humble nya grabe”

“I love this man so humble..super handsome..number 1 fan of yours!! God bless”

“Despite his popularity, he remains humble, bowing his head to his fans…”