Walang hanggang puksaan! Pamilya de Guzman, viral na naman ang kulitan sa TikTok

Viral na naman ang pisikal na bardagulan ng Pamilya de Guzman sa TikTok.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Mukhang hindi talaga kayang mawakasan ang kakulitan ng Pamilya de Guzman na binubuo ng nation’s “mowm” na si Klarisse de Guzman, ang panganay na anak na si Mika Salamanca, ang kambal na si Shuvee Etrata at Esnyr Ranollo, maging ang nation’s son at paboritong bunso na si Will Ashley.

Viral na naman kasi ang puksaan ng chaotic fam mula sa PBB Collab house kaya matapos ang kanilang guesting sa “It’s Showtime” hindi pa rin nagpaawat sa pisikal na bardagulan ang mga Kapamilya at Kapuso stars.

Marahil ay na-miss nila ang isa’t isa sa loob ng Bahay ni Kuya kaya cariño brutal talaga ang bungad nila sa bawat pagkikta bukod pa sa kanilang bardagulan GC/broadcast channel sa Instagram na “YOMA AKUS.”

@mikasalamanca HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA #PDG #PamilyaDeGuzman #MikaSalamanca ♬ original sound – 🐯ဂျူနီယာလေး🐯🇲🇲🇲🇲

Sila sila din ang unang nagkomento sa post ni Mika kung saan nagtulakan, nagsipaan, at nagduldulan ang “mag iina”.

“Anlala nyo! “ komento na lang ng natatawang Big Winer na si Brent Manalo.