Walang eme! Direk Erik Matti pasok sa mga hurado ng International Emmys

Pasok sa line up ng mga juror ang batikang direktor na si Erik Matti para sa International Emmy Awards.

Pasok sa mga hurado ng 2024 International Emmy Award ang premyadong direktor na si Erik Matti. Isang simpleng anunsyo ang ginawa ng batikang direktor sa kanyang Facebook account kung saan nagpasalamat siya sa kanyang pagkakapili.

Matatandaang noong 2022, isa sa nominado sa International Emmy Awards ang “On The Job” ni Direk Erik sa kategoryang Best TV Movie or Miniseries. Samantala, para parehong serye, nanomina para sa Volpi Cup sina Jon Arcilla at Dennis Trillo sa ginanap na Venice Film Festival noong taon ding iyon na pinagwagian ng “Heneral Luna” actor.

Bukod sa mga indie ay patok din ang mga mainstream projects ni Direk Erik tulad ng “Buy Bust,” “Aswang Chronicles,” at “Seklusyon.”