Pinatunayan ng isang grupo ng aspin na wala sa imported na lahi ang pagiging good boys. Sa isang post ng Higala Coffee, pinakita nila ang isang grupo ng mga stray dogs na matiyagang pumipila para matanggap nila ang kanilang pagkain.
Mistulang trained dogs ang mga aspin dahil walang nag-aagawan at lahat ay naghihintay ng kanilang pagkakataon na tumanggap ng treats mula sa coffee shop.
Bilib din ang mga netizens na nakasaksi sa mga pangyayari. Marami din ang humiling na lalong i-bless ang coffee shop dahil sa kabutihan nila sa mga hayop.
“May god bless ur cafe more! God saw it! Thank you for doing that!! Pls wag po kayo mag sawa.”
“cuties”