Wala pa bang Part 2, mamsh? Netizens, abangers sa ending ng kwento ng nawawalang piraso ng isda

Masyadong naging invested ang mga netizen sa kwento ng nawawalang hiwa ng isda sa palengke.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sa sobrang mahal ng mga bilihin ngayon, talagang magiging alerto ang bawat mamimili. Kaya naman ang mga netizen, relate na relate sa mga post tungkol sa pagtitipid.

Sa isang viral na post, isang netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa palengke kung saan bumili siya ng yellow fin tuna na nagkakahalagang Php450. Aniya, nung pinapahiwa niya ang isda ay binilang niya kung ilang piraso ito para malaman niya kung paano niya hahatiin at lulutuin ang isda.

Sa kasamaang palad, pagdating sa bahay ay kulang ng isang hiwa ang isda. Sa kagustuhang makumpirma kung nagkamali ba siya ay binuo niya ang mga hiwa ng isda at ginawa pang visual aid sa kanyang post with matching arrows at numbers pa.

Ikinatuwa naman ng mga netizen ang pagiging SOCO ng OP sa kanyang pag iimbestiga para mahanap ang katarungan.

Jumoin na din ang mga netizens sa paghahanap ng nawawalang slice at may nag teorya din na hindi lang isang hiwa ang nawawala kundi dalawa pa.

“basta dalawang hiwa talaga nawala madam, not just 1 but twoooo hahahahah”

“nawawala ang dalawang slice”

“wala nang leeg yung isda”

“Actually parang hindi nga isa lang ang kulang e,,kung papansinin nio ung guhit sa gilid hindi nag match e parang 2-3 slices ang nawala pati sa bandang buntot may kulang din. Hindi to nagkamali lang, sinadya tlga”

Ang nakakatuwa pang lalo, marami pa ang nag request ng Part 2 kung binalikan ba ni ate ang tindera.

“kelan ang balik lods hehe hook na hook na kame”

“Balikan mo mamsh tas update mo kami kng anong nangyari ah. Haahaha”

Abangan ang susunod na kabanata.