Kung nagtataka siguro ang ilang kliyente kung bakit walang sumasagot sa kanilang mga tawag, marahil, si Jollibee ang nakakatuwang dahilan kung bakit tumigil ang mundo ng mga call center agents sa Halloween event ng kanilang kumpanya.
Sa isang Tiktok post ni @ reamaeelarcosa68, ipinakita kung paano sinorpresa ni Jollibee ang isang call center operations center at nag-water dance sa gitna ng office floor.
@reamaeelarcosa68 #tylawaterchallenge #waterdance💦🏊💃🏼💙 #jollibeetiktok ♬ Water – Tyla
Siyempre, hindi naman pwedeng hindi ka makisaya pag si Jollibee na ang kasama kaya’t mapapansing ilang empleyado din ang nagkumpol sa likuran para makakuha ng mas magandang angulo.
Sa sobrang relate ng post, agad itong nag viral at umani ng 23.5 million views. Marami din ang pumuri sa panandaliang break na dulot ni Jollibee sa nakaka-stress na trabaho ng pagiging agent.
“ang random ng jollibee mascot sa office hahahah,” komento ng isang netizen.
“thank you for calling customer service, please wait for a while because Jollibee is bida bida in our office,’ pabirong sabi naman ng isa.
“beh bida bida ka na naman”
“walang pinipiling edad ang pinapasaya Jollibee”
“buti pa si jollibee marunong mag water dance ako Hindi”
“maraming na heal ang kani kanilang inner child dahil kay Jollibee”