Wala mang libreng buffet, mga may pangalang Carlo o Caloy, may libreng pancakes sa Maginhawa!

Nadamay sa libreng pakain ang ang mga kapangalan ng Philippine golden boy na si Carlos Yulo handog ng Urban Chick sa Maginhawa.

Bilang selebrasyon sa pagkapanalo ni Carlos Yulo sa Paris Olympics, damay din ang lahat ng Carlos at Caloy sa biyaya. Hindi man kasing laki ng condo, lifetime buffet, at milyong piso, siniguro naman ng Urban Chick sa Maginhawa na mabibigyan nila ng ginintuang pancakes ang mga kapangalan ng ating golden boy.

Unang inanunsyo ng Urban Chick ang promo para sa August 5 ngunit minabuti nilang i-extend ang freebie hanggang August 6 dahil dobleng ginto ang naiuwi ni Caloy sa dalawa niyang events.

Kaya naman hindi na nag-aksaya ang panahon ang asosasyon ng mga Caloy sa Pilipinas at sumugod na sa Maginhawa para makatikim ng libreng pancake.