Marami ang nakaka-relate sa isang throwback post ni Piolo Pascual tungkol sa pagiging single. Na-inspire ang mga fans sa pananaw ng hunk actor na mas kilala bilang Papa P tungkol sa hindi pa rin pag-aasawa sa edad na 46.
Ayon kay Piolo, hindi dapat ma-pressure sa paligid kung hindi pa talagang dumarating ang tamang tao para sa iyo. Imbes na ma-stress, pinayuhan niya ang fans na mag-enjoy na lamang kung nasaan mang estado ng kanilang buhay.
Pinayuhan niya din ang mga singles na tignan ang kanilang sitwasyon sa mas positibong pananaw.
“Wala kang kakulangan kung mag isa ka lang. Mas marami ka ngang magagawa e. Mas marami kang matutulungan, mas marami kang time for other people. Enjoy mo lang ang ‘yong buhay. Kung para sa iyo, para sa iyo. Especially pag dumating yung tamang tao, i enjoy mo. For now, masaya ako where I am, what I’m doing. Kung darating, darating,” aniya.
Agree naman ang mga netizens kay Papa P:
“At hindi naman lahat na piniling magka pamilya ay naging masaya…”
“Nasa tamang mindset lang yan!”
“Very well said”
“Better to be single rather than with the wrong person”
“Parehas kami ni Papa P.ng katwiran..baka kami itinadhana”